D. Replektibong Sanaysay

 Pacquiao, Angel Denise A.        12-Humility


REPLEKTIBONG SANAYSAY


PAMILYA


          Habang nagbalik tanaw ako sa aking buhay, marami akong biyaya na natanggap simula pa nung ako’y isinilang dito sa mundo. Habang ako’y lumaki nakita ko mismo na ako ay sobrang pinagpala ng Panginoon. Simulan natin sa ako ay mayroong magandang buhay kung saan ako ay nabuhay na malusog, kompleto, walang sakit, at walang diperensya. Pero hindi lang yan tatapos diyan, nagpapasalamat din ako na may makakain ako araw-araw, may natitirahan akong bahay, may kaya ang aking pamilya pagdating sa pera, at higit sa lahat pinapalibutan ako ng mababait na tao.


          Nais kong magpapasalamat sa aking pamilya at sila yung pinakamaganda at importanteng nangyari sa buhay ko, kasi sila yung nagbigay sakin ng pagmamahal at sila yung rason kung bakit ako nandito ngayon at bat ako nakaabot sa sa ganto. Gusto kong

magpapasalamat ako sa mama ko kasi siya yung nagpapaalala sakin kung ano ang mga dapat gawin at siya din nagbibigay ng advice sakin tungkol sa buhay, tinuturuan din niya ako kung ano yung mga tamang asal sa buhay at yung mga bagay na dapat kong gawin upang maging successful sa hinaharapan. Gusto ko ding magpapasalamat sa aking papa kasi siya palagi yung naghatid at sundo sakin pauwi galing sa silid-aralan, siya din naghahatid sakin tuwing may mga importanteng lakad ako. Si papa din yung nagbibigay ng mga importanteng aral sa buhay at tinuturuan niya ako paano maging mabuting panganay sa aking kapatid. At higit sa lahat nagpapasalamat din ako sa aking kapatid kasi siya din yung rason kung bakit ako nagsisimulang magbago bilang isang ate sa kanya .


          Sa lahat ng bagay yung pinakaimportante talaga sakin ay yung pamilya ko. Walang makakapalit at hihigit pa yung pagmamahal ko sakanila. Bilang isang anak, panganay at mag-aaral, gagawin ko ang lahat upang maging masaya sila sa mga maabot ko sa buhay, babawi ako sa kanila sa larangan ng pag-aaral ng mabuti at pagkukuha ng with honors na award. Sa tuwing gagraduate na ako sa kolehiyo, babawi ako sa aking mga magulang at tutulungan ko yung kapatid ko sa kanyang pag-aaral at kung ano man yung kailangan niya sa pag-aaral.


Comments

Popular posts from this blog

I. Lakbay Sanaysay

C. Bionote

F. Agenda